WSC 2020, AALAGWA NA

2020 World Slasher Cup 9-cock

AARANGKADA na sa Lunes, Enero 20, ang unang sultada ng 2020 World Slasher Cup 9-cock Invitational Derby sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Mainit na labanan ang inaasahan mula sa mahigit 200 batikang sabungero na magtatagisan ngayong taon para sa prestihiyosong World Slasher Cup na itinuturing na sagupaan ng mga kampeon.

Inaabangan ang pagbabalik rueda ng  2019 champions na sina Nene Araneta, Frank Berin, Rey Cañedo at Jun Durano na dedepensahan ang kanilang mga titulo laban sa mga batikang manlalaro tulad ni WSC-1 champion Claude Bautista at ni Patrick “Idol” Antonio na susungkit ng ikawalong WSC title ngayong taon.

Sasabak din sa WSC ang mga beterano tulad ng Escolin brothers, four-time WSC champion at mediaman Rey Briones, Eddie Araneta, Dicky Lim, James Uy, Anthony Lim, Marvin Rillo at daan-daan pang inaasahan na sasali upang magbigay pugay sa sabong legend Ray Alexander ng Lincoln, Alabama.

Maging ang anak ni Alexander na si Rayandra Seville ay dadalo sa mga laban sa ika-57 taon ng WSC.

Hindi rin magpapatalo ang mga sabungero galing Hawaii, Canada, United States, Australia at Guam upang sungkitin ang kampeonato mula sa mga Pilipinong manlalaro na matagal nang nangingibabaw sa naturang torneo.

Daan-daang winged warriors mula sa gamefowl farms dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa ang sasabak sa WSC. Ilan dito ang mga gamefowl breeds tulad ng Boston Sweaters, Griffin Clarets, Yellow-Legged Hatches at Kelsos.  (MATEO AGAPITO)

194

Related posts

Leave a Comment