Bilang bahagi ng kanilang trabaho sinalubong ng Bureau of Customs Port of Zamboanga ang nasa 316 Pilipino na nagmula sa Sabah, Malaysia noong Marso 7, 2021.
Bahagi ng Special Handling Operations for Returning Filipinos from Sabah (SHORES) ay pinadali ang Customs, Immigration, Quarantine and Security (CIQS) ng Port of Zamboanga sa pagdating ng nasabing mga Pinoy.
Ang POZ X-Ray Inspection Project (XIP) personnel ay nagsagawa ng X-ray inspection sa mga nasabing pasahero na may dalang mga bagahe sa pagbaba nito noong Marso 7 hanggang 8, 2021.
Umaabot sa 292 mga bagahe ang dala-dala ng mga Pilipino na nagmula sa Sabah, Malaysia na dumating sa Port of Zamboanga noong Marso 7, 2021.
Ang pagsalubong ng BOC Port of Zamboanga ay bahagi ng kanilang trabaho para matiyak na walang makakalusot na anumang ipinagbabawal o hindi deklaradong kalakal.
Ito rin ay bahagi ng kanilang trabaho para matiyak ang kita sa pamamagitan ng duties and taxes pabor sa gobyerno.
(Joel O. Amongo)
330 