YULO AT DIAZ ‘HELLO, GOODBYE’ SA TOKYO

Ni ANN ENCARNACION

DAHIL sa pinaiiral na istriktong safety and health protocols bunsod ng ­COVID-19 pandemic, hindi na nakapag-usap nang mag­kita sina Filipino gymnast Carlos Yulo at weightlifter Hidilyn Diaz sa Olympic Village sa Tokyo, Japan.

Kaya sa social media na lang idinaan ng 2016 Olympics silver medalist na si Diaz ang kanyang gustong sabihin sa world champion at kababayang si Yulo.

“Sana mahaba ang usapan natin champ Caloy Yulo. Goodluck sa laban mo sa July 24. Kaya mo yan,” social media post ng 2018 Asian at 2019 Southeast Asian Games gold medalist din na weightlifter.

“Please include Caloy in your prayers,” pahabol pa ng tanging Pinay na four-time Olympian.

Isa-isa nang nagdadatingan sa Tokyo ang 19 atletang Pinoy na makikipag­sapalaran sa 32nd Summer Games, ang latest ay si skateboarder Margielyn Didal na galing sa training sa Estados Unidos.

Nasa Athletes’ Village na rin ang taekwondo jin na si Kurt Bryan Barbosa kasama ang kanyang coaches at trainer.

Pinaka-unang dumating ang delegasyon ng boxing na binubuo nina Eumir Marcial na galing ng US, Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam mula Thailand, at rower Cris Nievarez mula Manila.

Si Marcial ang pumalit kay pole vaulter Ernest John ­Obiena bilang male flag ­bearer ng bansa, habang si Fil-Jap judoka Kiyomi Watanabe ang female counterpart ng una.

Ang opening ceremony ng isang taong na-postpone (dahil sa COVID pandemic) na Tok­yo Olympics ay magsisi­mula sa Hulyo 23 at ang closing
ceremony ay sa Agosto 8.

108

Related posts

Leave a Comment