ZERO CRIME RATE SA CAVITE IBINIDA

IBINIDA ng pamunuan ng Cavite Police na sa pangalawang pagkakataon ay nakasungkit ng zero crime rate ang lalawigan.

Sinabi ni Police Lt. Col Jack E. Angog, Deputy Provincial Director for Operation sa isinagawang “Dialogue with Cavite Press Corp” sa Camp BGen. Pantaleon Garcia, Imus City, Cavite, simula alas-6:00 ng umaga noong Martes hanggang alas-6:00 noong Miyerkoles ng umaga ay walang anomang naitalang krimen sa buong lalawigan sa Cavite.

Pero paliwanag ni Angog, ito ay partikular lamang ang crime against property, at crime against person.

“Natuwa rin ako kanina kasi simula Martes hanggang Miyerkoles ng umaga ay wala po tayong recorded na crime against property, crime against person particular ang murder homicide, rape physical injury, theft, robbery, carnapping, ” ayon kay Angog.

Dagdag pa ni Angog, maging noong Sabado ay wala ring naitalang naganap na anomang krimen.

(SIGFRED ADSUARA)

 

429

Related posts

Leave a Comment