ALAGANG UMALI RICE DISTRIBUTION

TARGET ni KA REX CAYANONG

PATUNAY ng malasakit at serbisyong may puso ang Alagang Umali Rice Distribution para sa mga pamilyang ZaragozeΓ±o.

Sa pangunguna nina Gov. Aurelio “Oyie” Matias Umali, Vice Governor Lemon Umali, at Ma’am Cherry Umali, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Zaragoza sa pamumuno ni Mayor Lally Belmonte, matagumpay na naihatid ang tulong sa iba’t ibang barangay.

Kasama sa aktibidad si Bokal Rai Villanueva, Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Edwin Almayda Buendia, at mga Konsehal na sina Jonald Gasapos, Joyce Romelyn Bulalayao, Angel Bautista, at Danny Arzanan.

Nabiyayaan ng sako-sakong bigas ang Brgy. Gen. Luna, Manaul, Pantoc, Sta. Cruz, at Del Pilar, isang tulong na tunay na nagpapagaan ng pasanin ng mga pamilyang nangangailangan.

Ang bawat sako ng bigas ay hindi lamang pagkain, kundi simbolo ng pamahalaang may malasakit, serbisyong ramdam at abot-kamay ng taumbayan.

Sa ganitong mga hakbang, higit na napatutunayan na ang Alagang Umali ay nananatiling matatag, makatao, at nakatuon sa kapakanan ng bawat Novo Ecijano.

Samantala, kasabay ng mga programang pangkalinga, ipinamalas muli ng Nueva Ecija ang lakas ng ekonomiya nito matapos mailabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang datos ng kontribusyon ng bawat lalawigan sa pambansang ekonomiya.

Muling umangat ang Nueva Ecija, nakapwesto sa ranggong #9 sa kontribusyon sa national GDP.

Hindi na lamang kilala bilang Rice Bowl of Luzon, ang Nueva Ecija ay higit pang lumalawak ang impluwensiya sa larangan ng agribusiness, manufacturing, at serbisyo. Ang paglakas na ito ay bunga ng mabuting pamamahala, matatag na imprastraktura at programang nakatuon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan.

Ito ay testamento ng isang lalawigang umaangat, lumalago at patuloy na humahakbang patungo sa mas maunlad na bukas.

Kaya sa bawat proyektong tulad ng Alagang Umali at sa bawat datos na nagpapatunay ng pag-unlad, walang dudang bida at nangunguna ang Nueva Ecija.

28

Related posts

Leave a Comment