8-M PINOY WALANG BIRTH CERTIFICATE

nso23
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

UMAABOT sa walong  milyong Filipino ang hindi rehistrado o walang birth certificate sa bansa.

Ito ang nabatid kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat kaya kailangang magkaroon aniya ng bagong batas sa civil registration upang ilibre na sa bayad ang late registration ng mga Filipino na hindi ma rehistrado.

“Biro mo, eight miillion Filipino are unregistered?,” ani Baguilat na isa sa mga nangangampanya ng libreng pagpaparehistro sa bansa lalo na sa mga mahihirap na pamilya.

Hindi biro aniya ang bilang na ito na kailangang matulungan sa lalong panahon ng gobyerno upang makatanggap ang mga ito ng serbisyo na nararapat at karapatan nilang matanggap.

“Pag walang birth registration , no enrolment, no employment, no services,” ayon pa sa mambabatas kaya hindi nakakapagtataka maraming Filipino ay hindi nakakapag-aral at hindi nakakatanggap ng serbisyo sa gobyerno.

Base sa mga report, karamihan sa mga hindi rehistrado ay nasa Mindanao at mga katutubo sa iba’t ibang panig ng bansa kaya dapat aniyang pagtuunan ito ng pansin ng gobyerno.

“So we are calling for a passage of a new national law on civil registration, waiving of fees on delayed registration, etc. Sabi ko baby pa lang, aktibista na,” pahayag pa ng kongresista.

Tinatayang nasa edad 0 hanggang 14 anyos ang batang hindi nairehistro kaya walang rekord ang mga ito ng kanilang birth certificate sa Philippine Statistic Administration (PSA).

Sa ngayon ay naglalaro na sa 107 million ang populasyon ng Pilipinas subalit hindi nilinaw kung kasama dito ang walong  milyong hindi rehistrado.

 

 

Read More

MGA PARI ‘DI DAPAT MATAKOT SA DUTERTE ADMIN — PALASYO

pari22
0

(NI BETH JULIAN)

WALANG dapat ikatakot ang mga pari sa kasalukuyang administrasyon dahil kaisa nila ito sa paglaban sa kasamaan sa lipunan.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, sa layong payapain ang kalooban ng mga taga Simbahang Katoliko.

Ayon kay Panelo, ang dapat na matakot ay ang mga kriminal, corrupt, drug lord at mga terorista.

Binigyan-diin ni Panelo na hinding hindi papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na masaktan ang mga taga simbahan.

Ipinaliwanag ni Panelo na ang mga sinasabi nito sa mga pari ay pawang mga figure of speech lamang at kadalasan ay mga biro lamang.

Sinabi ni Panelo na posibleng ang mga banta sa mga pari ay mula sa mga anti-Duterte trolls o mga personal nilang kaaway.

Ayon pa kay Panelo, malinaw na ginagamit lamang ng mga oposisyon ang isyu para sirain ang popularidad ng Pangulo.

Read More

MAYOR NG EASTERN SAMAR SINUSPINDE NG OMBUDSMAN

ombudsman1
0

(NI JEDI PIA REYES)

NAHAHARAP ngayon sa anim na buwang suspensyon ang alkalde sa bayan ng Guiuan, Eastern Samar dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng pondo para sa rehabilitasyon ng naging pinsala ng super typhoon Yolanda nuong 2013.

Sa kautusan na nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires, ipinasasailalim sa preventive suspension si Mayor Christopher Sheen Gonzales makaraang may makitang batayan mula sa mga dokumentong isinumite ng Visayas field investigation bureau.

Ipinasususpinde rin ng kalahating taon ang municipal accountant na si Adrian Bernardo, municipal treasurer Felicisima Bernardo, Bids and Awards Committee (BAC) chair at municipal engineer Arsenio Salamida, BAC vice chair Esperanza Cortin, at ang BAC members na sina Danilo Colandog, Gilberto Labicante, Ma. Nenita Ecleo, Felipe Padual at Zosimo Macabasag.

Batay sa premilinary investigation ng Ombudsman, lumalabas na guilty ang mga nabanggit sa grave misconduct at gross neglect of duty.

Nag-ugat ang reklamo sa mga rehabilitation project na ini-award sa dalawang contractor na Labasbas Construction at EDG Americas.

Ipinunto ng Ombudsman na walang malinaw na dokumentong magpapatunay na ang mga nanalong contractor ay mayroong technical, legal at financial competence para isagawa ang pagkukumpuni ng municipal hall, palengke at 89 barangay facilities sa Guiuan.

Sinabi pa ng Ombudsman na natukoy din ang ginawang pagbabago ng kumpanyang EDG Americas kumpara sa naaprubahang plano.

Read More

SWS SURVEY SA PULIS SA EJK PINALAGAN NG PALASYO

ejk200
0

(CHRISTIAN DALE)

PINALAGAN ng Malakanyang ang inilabas na survey ng SWS na nagsasabing mayorya ng mga Pilipino ay naniniwalang sangkot pa rin ang ilang mga pulis sa kalakaran ng iligal na droga, extrajudicial killings at nagtatanim ng ebidensiya sa mga drug suspects.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, na sana ay naisama rin sa survey ng SWS ang tungkol sa magaganda namang nagawa ng mga pulis laban sa anti-drug war.

Mas mabuti sana, ani Panelo, na nailahad sa survey ang pagkalagas ng 165 pulis bukod sa pagkakasugat ng 575 iba pa sa giyera sa droga ng administrasyon gayung ito ang magpapamukha sa mga kritiko na sadyang bayolente ang mga tulak at adik dahilan upang depensahan ng mga pulis ang kanilang sarili kaysa makaladkad sa isyu ng EJK.

Sa kabila nito ay  tanggap naman ng Malakanyang na sadyang may mga bugok pa rin sa PNP gaya na lang sa kahit anong organisasyon o  institusyon sa gitna ng pagkakasangkot ng ilang opisyal at personnel nito sa drug trade at pagtatanim ng ebidensiya sa mga suspek.

Magkagayon man, aniya ay ginagawa naman ng pulisya ang lahat para  matanggal ang mga bugok na pulis sa PNP sa pamamagitan ng nilikha nitong Counter-Intelligence Task Force o CITF.

Read More

PANIWALA NG PINOY SA PULIS VS EJK NORMAL LANG — SOLON

drug2
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI na ikinagulat ng isang opposition congressmang resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na sangkot ang mga pulis sa ilegal na droga, extrajudicial killings (EJK) at pagtatanim ng ebidensya.

Gayunpaman, nalunggkot si Magdalo party-list Rep. Gary Alejano dahil ang nasabing survey ng SWS noong Disyembre dahil pagkakakita ito na paliit na ng paliit ang tiwala ng publiko sa pambansang pulisya.

“Hindi kagulat-gulat ang resulta ng survey na ito dahil bukod sa pwedeng abusuhin ng mga otoridad ang Oplan Tokhang, ito ay isyung pangseguridad ng mga tao,” pahayag ni Alejano.

Base sa survey, 68% sa mga respodent ang naniniwalang sangkot ang kapulisan sa illegal drug trade, 68% ang naniniwalang sangkot ang mga pulis sa EJK at 57% naman ang nagsasabi na nagtatanim ang mga ito ng ebidensya.

Masamang pangitain umano ito nawawala ang tiwala ng taumbayan imbes na sila ang mangalaga sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayan.

“Kung nasisira ang mga demokratikong institusyon at proseso sa ilalim ng drug war ay lahat tayo ay magiging biktima rin. Wala na talagang safe. Oplan Tokhang has claimed thousands of lives especially the poor, destroyed democratic institutions and processes, twisted the concept of human rights, created a culture of impunity,” ayon pa sa kongresista.

Kasabay nito, hindi na aniya mahuhugasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dugo ng mga biktima ng EJK sa kanyang kamay matapos nitong animin sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines assembly sa Manila Hotel noong Martes na gabi na marami na itong napatay.

“Patay? Ah marami akong pinatay. Marami pa. Ngayon mag-umpisa ako,” banggit ng Pangulo sa kanyang talumpati na ayon kay Alejano na isa na naman itong pag-amin sa papel ng gobyerno sa pagpatay sa libu-libong Filipino na karamihan ay mahihirap sa giyera kontra ilegal na droga.

“Napakalupit ng ating gobyerno sa ating mga kababayan—na kahit hindi pa napatutunayan na nagkasala ay pinapatay agad—samantalang ang mga drug lords at supplier na nagpapasok ng droga sa bansa ay hindi maikulong. This is an accurate depiction of the ironic reality of the administration’s drug war,”ayon pa kay Alejano.

 

Read More

SOLAR POWERED IRRIGATION SYSTEM: 2,500 EKTARYA MAKIKINABANG

solar
0

(NI FRANCIS SORIANO)

TARGET ngayon ni  Agriculture Secretary Manny Piñol,  ang pagpapatayo at pagpaparami pa nang Solar-Powered Irrigation System na layong patubigan ang nasa 2,500 ektaryang bukirin sa bansa.

Ito ay matapos na pormal nang inilipat sa pamamahala ng Caridad Norte at Sur Irrigators Association ang 140-panel Solar-Powered Irrigation System na nag-generate ng 30 to 37 kilowatts upang patubigan ang 50 ektaryang sakahan sa bayan ng Llanera , Nueva Ecija na natapos pa noong Mayo nakaraan taong.

Ayon sa kalihim, ang Solar-Powered Irrigation System Project ay makabagong teknolohiyang subok na at tunay na tatagal sa mahabang panahon kung saan ang layunin ay pagkakaroon ng maayos na patubig at mas malaking ani na umaabot sa 120 hanggang 150 kaban ng palay sa kada ektaryang sakahan.

Ipinangako din ng kalihim ang P5 milyong pautang mula sa DA Agriculture Credit Policy Council at pamamahagi ng libreng traktora at combined harvester sa samahan.

Read More

‘KAMPANYA LABAN SA DROGA DAPAT NANG BAGUHIN’

pdea300
0

(NI NICK ECHEVARRIA)

DAPAT nang magsagawa ng recalibration ang pamahahalaan sa kampanya nito laban sa ilegal na droga.

Ito ang binigyang-diin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesperson Derrick Arnold C Carreon sa isinagawang Real Numbers Forum sa Camp Crame kaninang umaga (Feb 28) bilang reaksyon sa ibinunyag ng Pangulong Rodrigo Duterte na nasa pito hanggang walong milyon na ang mga durg users sa bansa.

Sinangayunan din ni Carreon ang bagong estimate ng Pangulo mula sa dating apatna milyung mga gumagamit ng droga.

Aminado si Carreon na may mas malawak na access at unlimited resources ang Pangulo pagdating sa intelligence network.

Gayunman ipinaliwanag nito na sa bagong numerong ipinalabas ng Pangulo, maaaring hindi nakasama sa unang estimate ang lahat ng mga gumagamit ng droga, kabilang ang mga occasional drug users o yung dating mga patikim-tikim lamang.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Carreon sa Dangerous Drugs Board (DDB) na siyang  may mandato sa ilalim ng batas na magkaroon   ng bagong survey para madetermina ang tamang bilang ng mga Drug users sa bansa.

Matatandaan na 2016 pa nang huling magsagawa ng survey ang DDB kung saan nasa isa’t kalahating milyon lamang ang kanilang naitalang drug users.

Sinabi ni Carreon na maaari ng i-recalibrate ng gobyerno ang kampanya nito kontra droga sa pamamagitan ng Rehabilitation at Reformation sa sandaling maisagawa na ang panibagong survey upang maging mas epektibo ito.

 

Read More

PINOY STUDENT NALUNOD SA AUSTRALIA

aussie1
0

(NI ROSE PULGAR)

NASAWI ang isang 24-anyos na estudayanteng Pinoy ang namatay nang malunod sa isang isla sa Australia noong Lunes ng umaga.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng Filipino student sa sinapit nito.

Sa report ni Ambassador to Australia Ma. Hellen B. De La Vega sa DFA Home Office, ipinaalam na ng mga awtoridad sa Queensland sa Philippine Embassy sa Canberra kaugnay sa pagkamatay ng estudyante na pansamantalang hindi muna binanggit ang pangalan ng Queens ford College sa Brisbane.

Sa pahayag ng Embahada ng Pilipinas ang biktima ay nalunod sa Flinders Beach sa North Stradbroke Island nitong noong Lunes. Hiniling ng Office of Migrant Workers Affairs sa DFA ang tulong para naman sa repatriation ng mga labi ng biktima.

Sa panig naman ng DFA na nakikipag-ugnayan na sila sa pamilya ng estudyante para sa pagpapauwi sa labi nito.

Sa tala , ito na ang ika- limang insedente ng pagkalunod na kinasasangkutan ng mga Filipino sa abroad simula ng pumasok ang taong ito.

Kamakailan lamang dalawang magkahiwalay na insedente ng pagkalunod sa new Zealand kung saan kasama dito ang dalawang Filipinong mag asawang nurse sa kanilang honeymoon na nalunod din sa Maldives.

Read More

DICT BIGO SA ‘MOMO CHALLENGE’

MO2
0

(NI KIKO CUETO)

AMINADO ang Department of Information and Communication na hindi nila mapipigilan ang messaging app na nakapatay na ng isang bata na kung tawagin ay “Momo Challenge.”

Isa na ang kumpirmadong namatay dahil sa nasabing challenge.

May isang tila kulto o grupo na tinatawag ang sarili nila na “Momo” isang doll figure na kakunti ang buhok, malaki at nakaluwa ang mata at ngisi na tila mala-demonyo, oara hikayatin ang mga bata na i-add sila at sumali sa isang challenge.

Nakukuha nito sa messaging platform na WhatsApp.

Susunod-sunuring ng app ang user ng mga bayolenteng mga larawan sabay hahamunin ang nakakausap nito.

Nabiktima nito ang 11 taong gulang na bata na mag drug overdose bilang bahagi ng kanilang hamon.

Hindi tulad sa China, walang kontrol ang batas sa Pilipinas para mag-block ng mga apps.

Sinabi ni DICT Secretary Eliseo Rio.

Regulators na nakikipahkoordiba sila sa mga online platforms kaugnay sa cyber bullying at ibang krimen.

Pero hinihikayat ni Rio ang mga magulang na tutukan ang mga pinapasok na app ng mga anak lalo na kung maliit pa.

Read More