POSIBLENG ITO NA ANG HULI KONG TELESERYE – ANGEL

0

(NI LOURDES C. FABIAN)

BALITANG pinaghahandaan na ng Kapamilya star na si Angel Locsin who has been in the industry for several years now ang nalalapit nitong kasal sa nobyong si Neil Arce.

Iisa ang espekulasyon ng kanyang mga supporters nang magbigay ito ng hint about taking a break from doing television series.

At hindi naman itinanggi ng aktres na plano na nga nilang ayusin ang tungkol sa plano nilang kasal ng nobyo kapag natapos ang kanyang teleserye na isang linggo na lang eere. Noong Hunyo ay inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement.

Bukod sa magaganap na wedding ay pagtutuunan din ni Angel ng pansin ang kanyang kalusugan.

She said, “Baka ito na ang huli kong teleserye. Hindi ko pa sure. Depende ‘yan sa mga tao, sa management, pag-uusapan din namin ni Neil kung ano ang plano namin. Ayoko magsalita nang tapos pero posible.”

Nilinaw ni Angel ang duda ng ilang fans na gumagamit siya ng double sa mga delikadong eksena na ginagawa niya lalo na ‘yung pagsabit sa likod ng umaandar na truck.

“Kami naman pong lahat sa ‘The General’s Daughter,’ ginagawa po namin ang stunts namin. Bihira ‘yung may stunt double talaga. May ipapalabas na humampas ako sa truck, tumalon, tapos marami pa na dahilan ng marami kong pasa sa katawan,” pagpapatunay ni Angel.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment