HYDROGEN PEROXIDE, PAMALIT SA CHLORINE BLEACH

HYDROGEN PEROXIDE

Hindi problema kung walang chlorine bleach sa loob ng bahay para magamit sa pagpapaputi ng mga labahin.

Ang chlorine bleach ay matagal nang kilalang panlinis ng mga damit, kasangkapan sa bahay, eskuwelahan, opisina at iba pa.

Ang isang mabisang solution para sa nangingitim o naninilaw na mga puting damit ay ang hydrogen peroxide.

Ang hydrogen peroxide na mas kilala sa tawag na Agua Oxinada ay hindi kamahalan kaya pwedeng asahan ang bisa nito.

Sinabi nating iwasan na ang paggamit ng chlorine beach dahil ito ay may environmental at health hazards.

Isa pa, masama rin sa kalidad ng tela ang chlorine beach. Ito ang isa sa mga dahilan na madaling rumupok ang tela kaya kahit mamahalin ang damit ay manghihinayang lamang tayo kung masisira rin ito sa ilang gamitan lamang.

Maliban pa rito, may masamang epekto rin ang pagsuot ng damit na ginamitan ng chlorine bleach dahil maaaring makairita ito sa balat partikular sa mga sensitibong balat, sa mga sanggol o bata.

Bilang alternatibo, ito ang solution na makatutulong sa inyo. Ito ay safe, effective, inexpensive at maaasahan. Sundin lang ang recipe, procedure na ito para makabuo ng cleaning agent para sa inyong pagpapaputi ng mga damit.

– 1 tasang hydrogen peroxide
– ½ tasang baking soda
– ¼ tasang lemon juice
– isang may katamtamang laki ng container o batya
– sikat ng araw

Direksyon:

Sa isang batya, ihalo rito ang baking soda, peroxide, at lemon juice. Magdagdag ng tubig ayon sa dami ng lalabhan (na hindi naman sobra-sobra). Mas maiging magdagdag lamang ng walong tasang tubig. Kung maraming papuputiin, i-adjust na lamang ang dami ng solution na inihanda.

Ilagay at ibabad dito ang mga damit at ibilad ito sa labas kung saan naroon ang sikat ng araw. Ibabad ito ng ilang oras o mas maganda kung ito ay hahayaan lamang ng isang araw.

Matapos nito, tanggalin at pigaan ang mga damit mula sa solution. Banlawang mabuti ang mga damit, pigaan saka isampay. Mas epektibo rin na isampay ito sa lugar kung saan may sikat ng araw.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment