IGINIIT ni dating Senate President at kilalang lider ng Liberal Party (LP) na si Franklin Drilon na hindi nagbago ng direksyon sina Senador Bam Aquino at Francis “Kiko” Pangilinan, at isinusulong lang ang adbokasiya na kanilang ipinangako noong kampanya sa pagka-senador noong 2025.
“They didn’t switch directions. Bam campaigned on the platform of education. Kiko campaigned on the platform of food security. That’s precisely what they are pursuing by getting into the majority bloc to head the committees on which they stood as an issue when they were campaigning,” wika ni Drilon.
Ginawa ni Drilon ang pahayag sa harap ng mga ulat na nakatakdang sumali sina Aquino at Pangilinan sa majority bloc sa 20th Congress at pamumunuan ang komite ng edukasyon at agrikultura.
“There’s no real opposition or administration bloc. Each senator wants to project his or her own program or policies,” wika ni Drilon, na nagsabi pa na naging personal na ang kanilang plataporma.
Kinatigan naman ni Senador JV Ejercito ang sentimyento ni Drilon, at sinabing karaniwan nang tumatawid ng partido ang mga senador upang suportahan ang mga panukalang makabubuti sa publiko.
“We cross party lines in the Senate as long as we focus on the issues and measures that will really be beneficial. Party colors are often set aside. We should be colorblind and simply support what’s good for the people,” giit ni Ejercito.
Inihain kamakailan nina Aquino at Pangilinan ang kani-kanilang mga pangunahing panukalang batas para sa 20th Congress.
Isinumite ni Aquino ang 10 panukalang batas na may kaugnayan sa edukasyon, at sinundan ito ng isa pang hanay ng mga panukala na tinawag niyang “10 Panukalang Batas para sa Abot-Kayang Pamumuhay.”
Nakatuon naman ang mga prayoridad na panukala ni Pangilinan sa kanyang adbokasiya para sa agrikultura, kabilang ang panukalang bigyan ng libreng almusal ang mga estudyante sa pampublikong paaralan mula Kindergarten hanggang Grade 12.
173
