PAPAGITNA sa entablado ang Team Philippines na humablot ng overall championship sa nakaraang 30th SEA Games, sa parangal na igagawad ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ngayong gabi.
Pangungunahan nina world champion at double gold winner Carlos Yulo, women’s world boxing champion Nesthy Petecio at Olympic silver medalist Hidilyn Diaz, ang Philippine contingent na tatanggap ng Athlete of the Year award, kasabay ang paggagawad ng natatanging parangal sa iba pang sports stars at personalities sa taunang SMC-PSA Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Sina top sports officials sa pangunguna nina Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez, Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, International Olympic Committee (IOC) representative to the country Mikee Cojuangco Jaworski, at Deputy House Speaker at NorthPort team owner Mikee Romero ay makikiisa sa seremonya kasama si PSA president Tito S. Talao, sports editor ng Manila Bulletin. Panauhin din si House Speaker Allan Peter Cayetano, na siyang tumayong chairman ng SEA Games Organizing Committee.
Si billiard legend Efren ‘Bata’ Reyes, na kasama sa Filipino delegation sa SEA Games noong Disyembre 2019 sa edad 65, ang magsisilbing special guest speaker sa gala night na ipiprisinta ng PSC, MILO, at Cignal TV.
Tatanggapin din ni Reyes ang ‘Lifetime Achievement Award’ na ipagkakaloob sa kanya ng Philippine sportswriting
fraternity, kung saan host ng event sina vetean broadcaster Sev Sarmenta at Rizza Diaz.
Lahat ng gold medal winners na aabot sa may 200 awardees ay tatanggap ng citations.
Si Yulo, nakakuha ng slot para sa Tokyo Olympics matapos maging first Pinoy at male gymnast mula sa Southeast Asia na nagwagi ng ginto sa World Artistics Gymnastics Championships, ay pagkakalooban din ng President’s Award, habang si Chairman Ramirez ang nahirang na Executive of the Year bilang Chef De Mission ng Team Philippines sa SEA Games.
Tatanggap din ng award ang ABAP, gayundin sina Thirdy Ravena, Jack Animam, Bryan Bagunas, Sisi Rondina, Bianca Pagdanganan, Stephan Schrock at Patrick Aquino.
Gayundin sina Alex Eala, Daniela Dela Pisa, Miguel Barreto, at Daniel Quizon, at ang Philippine men’s 3×3 basketball team at marami pang iba.
185