UMAABOT sa ₱124 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) sa pinaigting nilang anti-narcotics operation mula Enero 1 hanggang Pebrero 15 ngayong taon.
Ayon kay NCRPO chief Brigadier General Anthony Aberin, na-recover ng kanyang mga tauhan ang 15.26 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱103.79 milyon at gayun din ang 146.77 kilo ng marijuana (₱17.61 milyon) at iba pang ipinagbabawal na illegal substance na mahigit ₱2 milyon ang halaga.
Samantala, bukod sa mga nasamsam na droga, nadakip din ang umaabot sa mahigit 1,867 mga drug suspect. (JESSE KABEL RUIZ)
