1.2M DOSES NAITUROK NA SA QC RESIDENTS

UMABOT na sa 1,216,568 doses ng bakuna ang naiturok ng QCProtekTODO Vaccination Program ng pamahalaang lungsod sa tulong ng kanilang healthcare workers, staff at volunteers.

Sa kabuuan, 739,911 o 43.52% ng 1.7 milyong target population ang nabakunahan na ng first dose sa lungsod sa kabila ng limitadong supply ng bakuna.

Malaking bagay ito lalo na ngayong na may pinangangambahang Delta variant. Umakyat naman sa 476,657 o 28.04% ang nakatanggap na ng kanilang second dose.

Kaugnay nito, hinihikayat ang QCitizens na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.

Ang mga nabigyan ng schedule ay alinsunod sa first in, first out system o prayoridad na mabakunahan ang mga naunang nakapagrehistro, depende sa supply ng bakuna na dumarating sa lungsod.

Maaaring bisitahin ang https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy at abangan ang iba pang anunsyo sa Facebook page ng Quezon City o bisitahin ang https://qcprotektodo.ph para sa ibang detalye ng vaccination program. (JOEL O. AMONGO)

395

Related posts

Leave a Comment