1.7 MILYONG BATA SA MINDANAO, TARGET BAKUNAHAN KONTRA TIGDAS AT HANGIN-SIPON

TARGET ng pamahalaan na mabakunahan ang 1.7 milyong bata sa Mindanao laban sa tigdas at hangin-sipon (rubella) upang maiwasan ang posibleng komplikasyon, pagkaospital at pagkamatay.

Ayon sa Department of Health (DOH), mahigit isang milyong bata na ang nabakunahan sa unang linggo ng Ligtas-Tigdas vaccination campaign.

Patuloy ang pagbabakuna ngayong linggo upang maabot ang mga batang wala pang sapat na proteksyon laban sa sakit.

Hinimok ng DOH ang mga magulang na makipag-ugnayan sa kanilang barangay health centers para sa iskedyul ng pagbabakuna.

Inaasahang maglalabas ang DOH ng updated na resulta ng kampanya sa loob ng susunod na isang linggo.

(JULIET PACOT)

2

Related posts

Leave a Comment