ISASAILALIM sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA) ang sample ng mami na umano’y naging sanhi ng pagkamatay ng isang 43-anyos na ginang at pagkalason ng 14 pang biktima sa Tondo, Manila noong Martes ng umaga.
Kapag nagpositibo ang resulta na ang mami ang naging dahilan ng pagkalason ng 15 katao, malamang na makulong at pagbayarin ang may-ari ng karinderya.
Ayon sa ulat na natanggap ni P/Lt. Col. Gene Lucud, station commander ng Manila Police District Station 1, nakatanggap sila ng tawag sa kaso ng food poisoning sa Gapan Street sa Brgy.172, Gagalangin, Tondo.
Nabatid na isinugod sa Tondo Medical Center ang 15 katao ngunit isang kinilalang si Josephina Manila ang hindi naisalba ng mga doktor.
Isang Joy Dela Vega umano ang may-ari ng karinderya. (RENE CRISOSTOMO)
221 