1 PATAY SA AMMONIA LEAK SA NAVOTAS

ISA ang kumpirmadong patay nang magkaroon ng ammonia leak sa isang ice plant sa Navotas, Miyerkoles ng hapon.

Sa pahayag ni Mayor Toby Tiangco, iniulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, humupa na ang amoy ng ammonia na dulot ng leak sa TP Marcelo Ice Plant and Cold Storage.

“Umabot sa 61 po ang mga pasyenteng dinala natin sa ospital at isa sa kanila ang binawian ng buhay. Meron din pong mga residente na dumiretso na sa ospital. Kasalukuyan pa po nating biniberipika ang datos nito,” anang alkalde.

“Nagpahanda na rin po tayo ng food packs sa ating CSWDO para sa mga apektadong residente. Nananatili rin po ang ating first aid station sa area para sa mga nangangailangan ng dagliang tulong medical,” patuloy ni Tiangco. (ALAIN AJERO)

142

Related posts

Leave a Comment