1 PATAY SA COMMUNITY PANTRY NI ANGEL LOCSIN

NASAWI ang isang senior citizen na lalaki na kabilang sa mga dumagsa sa community pantry na inilunsad ng aktres na si Angel Locsin para sa kanyang kaarawan, Biyernes ng umaga sa Quezon City.

Sa inisyal na ulat, nakilala ang nasawi na si Rolando dela Cruz, 67-anyos.

Ayon sa ulat, alas-2 pa lamang ng madaling araw ay nagsimula nang pumila ang mga tao sa Titanium commercial building sa Barangay Holy Spirit, Quezon City kung saan napiling idaos ni Locsin ang kanyang community pantry.

Ito’y sa kabila na inanunsyo ng aktres sa kanyang social media account na alas-10 pa ng umaga bubuksan ang pantry.

Posibleng dala ng matinding init at siksikan sa pagdagsa ng mga tao ay nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Dela Cruz hanggang mawalan ito ng malay. Agad namang naisugod sa East Avenue Medical Center, ngunit hindi rin naisalba ang buhay ng matanda.

Base sa mga larawan, hindi na nasunod ang health protocols sa dami ng tao sa kabila na may mga pulis at tauhan ng barangay na nagbantay sa pila.

268

Related posts

Leave a Comment