NAKAPAGTALA ng isang namatay sa COVID-19 ang Malabon City noong Nobyembre 2 habang18 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 21,163 ang positive cases sa siyudad, 81 dito ang active cases.
Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Baritan (1), Catmon (1), Dampalit (1), Longos (2), Potrero (5), Santulan (1), Tañong (1), at Tugatog (6).
Sa kabilang banda, 21 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa lungsod. Sila ay mula sa Barangays Catmon (2), Concepcion (3), Dampalit (2), Longos (3), Maysilo (1), Potrero (5), Santulan (3), at Tugatog (2).
Sa kabuuan ay nasa 20,441 ang recovered patients ng lungsod, habang umakyat sa 641 ang COVID death toll. (ALAIN AJERO)
338 