1 sa Malabon 2 TUMBA SA PANDEMYA SA VALENZUELA

DALAWANG COVID-19 patients ang namatay sa Valenzuela City sa loob ng nakalipas na apat na araw.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, umakyat sa 825 ang COVID deaths sa lungsod noong Nobyembre 22 mula sa 823 noong noong Nobyembre 18. Bumaba naman sa 66 ang active COVID cases mula sa dating 109.

Pumalo na sa 35,760 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 34,869 na ang gumaling.

Samantala, isang COVID patient naman ang namatay sa Barangay Longos, Malabon City noong Nobyembre 22 at apat ang nadagdag na confirmed cases.

Sa kabuuan ay 21,266 ang positive cases lungsod, 31 dito ang active cases. Habang siyam na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Ibaba (1), Longos (5), Potrero (1), at Tonsuya (2). Sa kabuuan ay 20,586 ang recovered patients ng siyudad at umakyat naman sa 649 ang COVID death toll. (ALAIN AJERO)

174

Related posts

Leave a Comment