PINANGUNAHAN nina Mayor Maria Sheilah “Honey Lacuna- Pangan at Vice Mayor John Marvin “Yul” Nieto ang paglulunsad ng 10 ATM mobile machines ng Landbank sa Rajah Solaiman, Malate, Manila.
Nakibahagi sa programa si Landbank Director Virgilio Robles at pangulo ng Leasing and Finance Corporation at CEO Michael Arañas, Land Bank Executive vice President Alex Lorayes; Alan Bornas, Carel Halog, Vice President Randolf Montesa at iba pang mga panauhing pandangal.
Inasistihan naman ni Retired General Romeo Sapitula, chief Security ng Land Bank ang paglulunsad ng mobile ATMs.
Layunin ng grupo na mapabilis ang serbisyo sa mga kustomer ng nasabing banko.
Ang ATM ay dinisenyo sa sasakyan upang mapadali ang pagwiwithdraw, balance inquiry, bills payment at fund transfer ng mga kostumer. (RENE CRISOSTOMO)
269 