SAMPUNG tao pa ang nawawala at patuloy na hinahanap ng Philippine Coast Guard kasunod ng paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 nitong Lunes ng madaling araw sa may Baluk-baluk Island sa Basilan, ayon sa Philippine Coast Guard.
Kabilang sa nalalabing missing, ayon sa Coast Guard, ang kapitan ng barko, pitong tripulante nito at isang PCG Sea Marshal.
Sa huling ulat na ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ng operating arms nitong Office of Civil Defense, for validation as of 26 January 2026, a total of 19 individuals is reported dead and 24 individuals reported missing in this Maritime Incident.”
Habang nasa 322 na umano ang na-rescue ng mga awtoridad.
Subalit sa ginawang paglilinis ng listahan ng mga sakay ng lumubog na RORO, nilinaw ni Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na bagaman’t nasa 332 ang nakatalang bilang ng mga pasahero sa manipesto, labinglima rito ay hindi sumakay ng ferry kaya ang aktuwal na bilang ng pasahero ay 317 lamang at 27 crew members, o 344 katao ang tunay na bilang na sakay ng RORO.
Kahapon, inihayag ng PCG na nasa 316 katao na ang kanilang nasagip at 18 bangkay naman ang na-recover habang tuloy pa ang paghanap sa 10 nawawala.
(JESSE RUIZ)
1
