NABAKUNAHAN na laban sa COVID-19 ang 100% ng target population sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos Jr. na ang rehiyon ay mayroong eligible population na 9.8 million.
“100% na ang Metro Manila sa bakuna. Talagang natapos natin ito,” ayon kay Abalos sa kanyang talumpati sa Bayanihan, Bakunahan event.
Kamakailan ay inanunsyo ng Department of Interior and Local Government (DILG) na 23 highly urbanized cities, karamihan ay nasa NCR, ay fully vaccinated ang 70% o mahigit pa sa kanilang target population.
Ipinagmalaki pa ni Abalos na kontrolado na ang pagkalat ng Delta variant.
“At hindi lang ‘yun, ‘yung surge ng Delta sa ibang lugar, nawalan ng oxygen tanks, napuno, hindi naman natin ito na-experience sa Pilipinas,” aniya. (CHRISTIAN DALE)
162
