LUMAHOK ang 100 batang Bacooreno na nasa edad 5 hanggang 11-anyos sa isinagawang ResBakuna Kids sa Southern Tagalog Regional Hospital (STRH) nitong Lunes, Pebrero 7.
Ayon sa Department of Health 4-A, babakunahan ang mga bata ng brand na Pfizer na binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).
Una nang nagpabakuna ang anak ni 2nd District Representative Strike Revilla na si Chaye, limang taong gulang.
Magkakaroon muli ng susunod na Resbakuna Kids sa Miyerkoles, Pebrero 9 sa Sky Ranch, Tagaytay City. (CYRILL QUILO)
218
