100 KUMOT IPINAMAHAGI SA MGA NASUNUGAN SA QC

MAHIGIT 100 kumot ang ipinamahagi ni Senador Cynthia Villar sa mga biktima ng sunog sa Barangay Sauyo, Novaliches, Quezon City nitong Biyernes.

Sa pahayag, sinabi ni Villar na ipinamahagi ang naturang kumot sa pamamagitan ng kanilang foundation, ang Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (SIPAG) na palaging tumutulong sa mga biktima ng kalamidad.

“Sa pamamagitan ng kanyang Villar SIPAG, nagbibigay tayo ng lahat ng klase ng tulong sa mga biktima ng kalamidad,” ayon sa mambabatas.

Bukod sa relief goods, nagbibigay rin ng programang pangkabuhayan ang Villar SIPAG upang matulungan ang mahihirap na umunlad kahit kaunti ang kanilang pamumuhay.

“Nagkakaloob din kami ng mga programang pangkabuhayan sa mahihirap na komunidad at tumutulong sa kababaihan para madagdagan ang kita ng kanilang pamilya,” ayon sa senadora. (ESTONG REYES)

371

Related posts

Leave a Comment