100 LIVE TARANTULAS NASABAT NG BOC-NAIA

TARANTULAS

(Ni JOEL AMONGO)

Aabot sa isandaang pirasong buhay na tarantulas ang nasabat ng Bureau of Customs Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa Central Mail Exchange sa Pasay City nitong nagdaang Mayo 30, 2019.

Ayon sa ulat ng BOC-NAIA, ang mga tarantulas ay nakalagay sa dalawang boxes na  nakasilid sa mga transparent plastic na idineklarang  mails and toys.

Nagmula umano sa bansang Poland at Malaysia ang naturang kargamento na nadiskubreng wala umanong health permits.

Pawang mapanganib at nakakabulag ng tao dahil sa balahibo nito ang nasabat na mga tarantulas.

Itinurn-over na sa Wildlife Trafficking Management Unit (WTMU-DENR), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Bureau of Animal Industry (BAI) ng BOC-NAIA  ang naturang mga hayop.

Samantala, nasabat din ang 71 pirasong stingray skin sa isang package na nagmula naman sa Jakarta, Indonesia.

Habang ang camel hide, stuffed moose head at fox ay nagmula naman sa United Arab of Emirates, Norway at France, ayon sa pagkakasunod.

“These stuffed animals can bring exotic disease and pose health risks in absence of Quarantine certificates and Import permits,” ayon sa  BOC- NAIA.

Ang sinumang lalabag sa  Wildlife Trading Laws ay mahaharap sa pagkakulong ng hanggang dalawang taon bukod sa multang P200,000.

Ang pagkakasabat sa nasabing mga kargamento ay bilang resulta na rin sa mahigpit na pagbabantay ng   BOC-NAIA sa pamumuno  ni District Collector Mimel Talusan sa mga pa­sukan at labasan ng bansa sa pakikipagtulungan na rin ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

192

Related posts

Leave a Comment