BI: BANTAG, HINDI PA LUMALABAS NG BANSA

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na wala silang record na nakalabas ng bansa si dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag.

Ito’y sa gitna ng patuloy na pagtugis sa kanya kaugnay ng pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid noong Oktubre 2022.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, nananatiling nasa bansa si Bantag base sa kanilang datos.

Nauna nang inilagay ang dating opisyal sa Immigration Lookout Bulletin Order at may Hold Departure Order na rin laban sa kanya mula sa Muntinlupa City RTC noong 2023.

Nahaharap si Bantag sa kasong murder sa Las Piñas RTC ngunit naka-archive muna ito hangga’t hindi siya lumulutang.

(JOCELYN DOMENDEN)

13

Related posts

Leave a Comment