3 HINATULAN NG LIFE SA ₱998-M SHABU SMUGGLING

HINATULAN ng Manila Regional Trial Court ng reclusion perpetua ang tatlong indibidwal kaugnay ng ₱998-milyong drug smuggling case, ayon sa Bureau of Customs (BOC).

Sa ulat, napatunayang guilty beyond reasonable doubt sina Muktasil Abundol Assimudin, Emmanuel Paulo Delos Reyes Landicho at George Sim Fernandez sa paglabag sa Section 1401(g) kaugnay ng Section 118(g) ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Bukod sa habambuhay na pagkakakulong, pinagmulta rin ang mga akusado ng ₱50 milyon.

Nag-ugat ang kaso sa pagkakasamsam ng 146.81 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱998,306,096 sa Manila International Container Port noong Enero 2019.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno, patunay aniya ang hatol na gumagana ang enforcement at legal processes ng ahensya at magpapatuloy ang pagtugis hanggang makamit ang hustisya.

(JESSE RUIZ)

12

Related posts

Leave a Comment