100 LRT WORKERS, TATAMBAY

MADARAGDAGAN na naman ang bilang ng mga jobless sa bansa dahil sa nakatakdang pagsibak ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa mahigit 100 nilang empleyado bunga ng pagkalugi na hatid ng COVID-19.

Ayon sa LRMC, kinonsulta nila sa nasabing desisyon ang LRMC Employees Union at mahigpit itong pinag-aralan ng kanilang Senior Management Committee. Tiniyak din ng tanggapan na susundin nila ang mga panuntunan ng Department of Labor and Employment (DOLE) partikular ang pagbibigay ng kaukukang kompensasyon sa mga maaapektuhang empleyado tulad ng mga benepisyo sa ilalim ng Collective Bargaining Agreement (CBA).

Kaugnay nito, iniutos umano ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa railway authorities na i-absorb ang mga kwalipikadong empleyado ng LRT1 na maaapektuhan ng layoff.

Partikular na inatasan ni Tugade ang Philippine National Railways (PNR), Light Rail Transit Authority (LRTA), at ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na kumuha ng dagdag na empleyado mula sa grupo ng mga sisibakin. DAVE MEDINA)

151

Related posts

Leave a Comment