PAMPANGA – Umabot sa 102 personnel ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay PRO3 Regional Director P/BGen. Valeriano de Leon, ang PRO3 personnel na nagpositibo sa virus ay agad inilipat sa quarantine facilities at isinailalim sa strict quarantine and monitoring.
Nagsasagawa na rin ng precautionary measures kaugnay ng biglang pagtaas ng COVID-19 cases, katulad ng paglilimita sa mga papasok sa Camp Olivas para sa kanilang official business at pagbabawal sa personal visit.
Ipinagbabawal na rin sa kampo ang mass gatherings at events ngunit patuloy ang isinasagawang seminars at conferences sa pamamagitan ng virtual platform. (ELOISA SILVERIO)
117 