10th URBAN GARDENING, COOKING CONTEST SA LAS PINAS

NAGPAGALINGAN ang mga lokal na kusinero mula sa iba’t ibang barangay ng Las Piñas sa ika-10 Urban Gardening and Cooking Competition na inorganisa ng Villar Foundation nitong Agosto 29, 2025, sa Pulang Lupa Uno.

Layunin ng taunang paligsahan na itampok ang pagsisikap ng lungsod tungo sa sapat na suplay ng pagkain at urban agriculture, sa pamamagitan ng paghikayat sa mga residente na gawing produktibong taniman ang maliliit na espasyo.

Hinahamon din ang mga kalahok na maghanda ng mga putahe gamit ang mga sangkap na mula mismo sa kanilang bakuran o mga community garden.

Dumalo sa okasyon ang Managing Director Former Senator Cynthia Villar, Senator Camille Villar at ilang local officials ng lungsod.

(Danny Bacolod)

43

Related posts

Leave a Comment