11 LUGAR SA QC NI-LOCKDOWN

UMAKYAT na sa labing isang lugar sa lungsod ng Quezon ang isinailalim sa special concern lockdown.

Nabatid na dinagdagan ang mga lugar dahil nakitaan ng mataas na bilang at clustering ng COVID- 19 Cases.

Kabilang sa nadagdag ang Sitio Ruby sa Fairview, ang 5-A Cenacle Compound sa Brgy. Culiat, 223 Mariveles St. sa Paang Bundok at 238 Mayon Avenue sa Maharlika.

Base sa huling kalagayan ng mga city-owned hospital sa lungsod, tanging ang Novaliches General

Hospital ang puno na ng COVID-19 patients. Habang ang Rosario Maclang General Hospital na mayroong 31 total bed capacity ay may 23 pang naka-admit na pasyente.
95 naman sa QC General Hospital na mayroong 103 total Bed Capacity.

Bukod sa mga ospital, kaya pa ring tumanggap ng mga COVID-19 positive at suspected cases ang tatlong quarantine facility ng lungsod.

Noong Martes, nakapagtala ng limang panibagong nasawi sa COVID-19 sa lungsod, ayon sa report ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, ‘as of July 21, 2020, may kabuuang 272 COVID-19 deaths sa lungsod.

Sa nasabi ring petsa, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso rito ay 5,304.

Nadagdagan naman ng 105 ang recoveries na nagdala sa kabuuang bilang na 2,845. (JOEL O. AMONGO)

162

Related posts

Leave a Comment