115TH DEATH ANNIVERSARY NI LAS PINAS PARISH PRIEST SAN EZEKIEL MORENO, GINUNITA

IPINAGDIWANG nina Senator Cynthia A. Villar at Las Piñas Rep. Camille Villar ang 115th Death Anniversary ni San Ezekiel Moreno noong August 19 sa pamamagitan ng misa na idinaos sa San Ezekiel Moreno Oratory sa Villar SIPAG compound sa C-5 Road, Las Piñas City.

Itinaguyod ang misa sa Zoom at Facebook ng Villar SIPAG na nagpatayo rin noong 2014 ng Spanish Baroque-inspired Oratory sa compound nito. Sa simbahan ding ito iniingatan ang bone relics ni San Ezekiel.

Nangako sina Sen. Villar at Rep. Villar na taunang magpapamisa bilang pagkilala sa serbisyo ni San Ezekiel sa Las Pinas kung saan  siya naging kura paroko sa loob ng tatlong taon (1876-1879).

Kinilala rin ng mga Villar si San Ezekiel dahil pagpapatayo noong 1882 ng Molino Dam na pinapakinabangan ng mga residente ng Las Piñas at kalapit na  Bacoor sa Cavite . Nagbibigay ito irrigation sa mga bukid sa naturang lugar.

“That is one of the historic events in our city, and forever, a century, farmers are using it for their irrigation and residents for their households,” giit ni Sen. Villar.

“We  will observe every year important milestones in the life of San Ezekiel, patron saint of cancer patients,  as a tribute and thanksgiving to him,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Sen. Villar na ang  San Ezekiel Moreno Oratory ang tribute ng Villar family at mga residente  nito kay San Ezekiel. “We should always feel proud and blessed  that San Ezekiel Moreno

was once a priest here and lived among our ancestors and even saved them from droughts and fire.”

“Let us just pray that he will also protect us against COVID-19 pandemic,” sabi pa ni Sen. Villar.
Nagpahayag naman ng kasiyahan at pinasalamatan  ni Ramon  Moreno y Sebastian, great grandnephew ni San Ezekiel,  sina dating Sen. Manny Villar at Sen. Cynthia Villar at ang kanilang

pamilya dahil sa patuloy pag-iingat at pagsusulong  sa legacy ni San Ezekiel Moreno hindi lamang sa Las Piñas kundi sa ibang lugar sa bansa.

Binigyan diin niya na may malinaw na relasyon sa pagitan nina San Ezekiel at ang Villar family- ang mga ito ay ang magandang ugali na “Sipag at Tiyaga.”

Sa pagsisimula ng misa, sinabi ni Msgr. Roberto “Bobby” Olaguer na dapat  nating tularan ang pagsisilbi ni  San Ezekiel  sa mahinirap  at may sakit.

Ayon kay Msgr. Olaguer,  namatay sa palate cancer si San Ezekiel na noo’y monsignor, noong August 19 na feast day din niya dahil ito ang kanyang birthday sa Langit.

“On this day, August 19,  we are also celebrating the birthday of the late Philippine President Manuel Luis Quezon, named as “Ama ng Wikang Filipino,” so  August is also being observed as Buwan ng Wikang Filipino,”pahayag pa ni Msgr. Olaguer.

Sinabi ni Msgr. Olaguer na sa Langit, may mga nagsasalita ng Pilipino o Tagalog- sina San Lorenzo Ruiz mula sa San Binondo, Manila at San Pedro Calungsod mula sa Cebu.

“There is still another saint speaking Filipino  or Tagalog in Heaven. While he is not a Filipino, but a Spaniard, one Ezekiel Moreno, knew Tagalog. So the language in Heaven of the Holy is Tagalog, Pilipino,” sabi pa ni Msgr. Olaguer sa kanyang Homily.

Ani Msgr. Olaguer, marunong magsalita  ng Tagalog si San  Ezekiel dahil matagal siyang tumira sa Pilipinas. Nagtungo siya rito  noong 22 taon matapos sumali sa Spanish Agustinos  Recoletos noong 16 ayos pa lamang. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Intramuros, Manila at Jaro, Iloilo.

Bilang pari, nagsilbi siya sa iba’t ibang lugar sa bansa, una sa Mindoro,at pagkatapos,  sa  Palawan hanggang nalipat siya sa Las Pinas noong 1876. (ESTONG REYES)

251

Related posts

Leave a Comment