IPOPROKLAMA na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Sabado, Mayo 17, ang 12 nanalong senador, ayon kay Comelec Chairman George Garcia.
Sa press conference sa Manila Hotel Tent City, nabatid na ang proklamasyon ay magsisimula dakong alas-3 ng hapon.
Tinapos ng Comelec ang official tally ng certificate of canvass (COC) para sa midterm election noong Huwebes ng gabi. Ginagamit ang COC upang matukoy ang opisyal na mga nanalo.
Natapos lamang ng Comelec ang canvassing ng lahat ng 175 certificate of canvass ng tatlong araw matapos ang May 12 elections, na pinakamabilis na canvassing sa kasaysayan ng poll body.
(JOCELYN DOMENDEN)
