SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang pamamahagi ng honorarium para sa mga guro na nagsilbi bilang poll workers sa katatapos lamang na national and local elections (NLE).
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, target ng poll body na makumpleto ang bayad para sa mga guro ng hindi bababa sa 10 araw pagkatapos ng eleksyon.
Ang mga guro na nagsilbi bilang Election Registration Board (ERB) members ay makatatanggap ng karagdagang P2,000 honoraria. Nangangahulugan ito na ang ERB members ay makatatanggap ng P10,000 habang ang chairpersons ay P12,000.
Ayon sa poll chief, ilang mga rehiyon ang nakatapos na ng pagbabayad sa mga guro kabilang ang Region 3 o Central Luzon.
Matatandaan, sinabi ng Comelec na nasa 186,000 guro na magsisilbi bilang miyembro ng ERB, ang kanilang sinanay para sa 2025 midterm elections.
(JOCELYN DOMENDEN)
