LABING DALAWA ang kumpirmadong namatay habang hindi bababa sa dalawampu’t anim ang sugatan sa karambola ng mga sasakyan malapit sa tollgate ng SCTEX sa Lapaz, Tarlac.
Lumitaw sa paunang imbestigasyon, dakong alas-12:10 ng tanghali habang nakapila ang mga sasakyan pa-exit ng Lapaz SCTEX nang araruhin ng Solid North Bus.
Kaagad dinala sa pagamutan ang mga sugatan kabilang ang driver ng bus na hindi pa nakilala.
Sa ulat, sa labing dalawang nasawi ay anim ang bata.
Samantala, ipinag-utos naman ni DOTr Sec. Vince Dizon sa LTFRB na mag-isyu ng suspension order laban sa Solid North Bus.
(TOTO NABAJA)
