12 PULIS SA MISSING SABUNGEROS 90-DAY SUSPENDED, WALANG SAHOD

PINATAWAN ng National Police Commission ng 90-day preventive suspension ang 12 pulis na sangkot sa kaso ng mga missing sabungero.

Layon ng nasabing hakbang na masiguro ang kaligtasan ng mga witness at integridad ng isinasagawang imbestigasyon.

Ang resolusyon ay inilabas ni Napolcom Vice Chairman Atty Rafael Calinisan na natanggap na rin ni PNP chief General Nicolas Torre III.

Ito ay may kaugnayan sa inihain na mosyon ng whistleblower na si Julie Patidongan laban sa naturang mga pulis na nakitaan naman ng Napolcom ng probable cause dahil sa strong evidence of guilt ng mga ito.

Kabilang sa mga pinangalanan na respondents ng Napolcom sina Police Col. Jacinto Rodriguez, at Police Lt. Col. Ryan Jay Orapa, at iba pa.

Paglilinaw ni Calinisan, ang nasabing resolusyon ay hindi nangangahulugan na may sala ang mga pulis at hindi rin kaparusahan.

Bahagi lamang ng proseso para masiguro na hindi maiimpluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon ng komisyon kaugnay sa missing sabungeros.

Dahil sa ipinataw na preventive suspension, hindi makakakuha ng sweldo ang mga nasabing pulis.

(TOTO NABAJA)

22

Related posts

Leave a Comment