KINASUHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 12 sa 17 tindahang nahuling nag-overpriced sa medical, surgical at N95 masks.
Kasong profiteering at paglabag sa Consumer Act Law ang isinampa ng DTI laban sa mga ito sa Fair Trade and Enforcement Bureau.
Iginiit ni DTI Undersecretary Ruth Castello, dapat nasa pagitan lamang ng P45 hanggang P105 ang presyo, depende sa brand ng N95 mask.
Aniya, sakaling lumagpas sa nabanggit na price range ay pwedeng makasuhan ang may-ari ng establisimyento at pagmumultahin ng halagang P5,000 hanggang P2,000,000 depende sa desisyon ng korte. (DAVE MEDINA)
