12 STORES NG OVERPRICED N95 MASK KINASUHAN

DTI-N95 FACE MASK

KINASUHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 12 sa 17 tindahang nahuling nag-overpriced sa medical, surgical at N95 masks. Kasong profiteering at paglabag sa Consumer Act Law ang isinampa ng DTI  laban sa mga ito sa Fair Trade and Enforcement Bureau. Iginiit ni DTI Undersecretary Ruth Castello, dapat nasa pagitan lamang ng P45 hanggang P105  ang presyo, depende sa brand ng N95 mask. Aniya, sakaling lumagpas sa nabanggit na price range ay pwedeng makasuhan ang may-ari ng establisimyento at pagmumultahin ng halagang P5,000 hanggang P2,000,000 depende sa desisyon…

Read More

PRESYO NG BILIHIN PINABABANTAYAN SA DTI, DA

(NI NOEL ABUEL) IPINATITIYAK ni Senado Sherwin Gatchalian sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) na bantayang mabuti ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado ngayong buwan. Sinabi ni Gatchalian na dapat tiyakin ng mga ahensya ng pamahalaan na nababantayan ng mga ito ang presyo ng mga pangunahing bilihin para maiwasan ang mga mananamantala at para mas maging masaya ang Kapaskuhan ng mga mamimili. Dagdag pa ng senador na maliban pa sa panahon ng Kapaskuhan ay may dalang epekto rin sa presyo ng pangunahing bilihin ang…

Read More

DTI SINITA SA PAGTAAS NG PRESYO NG ITLOG, MANOK

(NI DANG SAMSON-GARCIA) SINITA ni Senador Imee Marcos ang biglaang pagtaas na presyo ng itlog at manok sa ilang mga pamilihan sa Metro Manila nitong nakaraang linggo. “Walang dahilan para magtaas ng presyo sa itlog kasi ultimong Philippine Egg Board sa kanilang suggested retail price ay hindi dapat tumaas sa P5 ang kada piraso ng itlog dahil sapat ang suplay nito,” saad ni Marcos. Ayon kay Marcos, lagpas sa P6 ang presyo ng bawat pirasong maliit na itlog sa ilang palengke sa Metro Manila, dahil umabot sa P180  o higit…

Read More

DTI SINABON SA DAGDAG-PRESYO NG NOCHE BUENA PRODUCTS

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINASTIGO ni Senador Imee Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagpapahintulot sa ilang manufacturer na magtaas ng presyo ng “Noche Buena products” habang papalapit ang araw ng Pasko. Kasunod ito ng pag-apruba ni Trade Secretary Ramon Lopez sa listahan ng mga produkto na pasok sa adjusted Suggested Retail Price (SRP). “Sa inilabas na listahan ng DTI, lumalabas na P3 hanggang P20 ang itinaas sa presyo ng ham. Pero sabi ni Sec. Lopez, maliit lang ang increase. Killjoy naman itong si Secretary. Lalong hindi na…

Read More

PROCESSED PORK MEAT ‘WAG IPAKAIN SA ALAGANG BABOY – DTI

(NI ROSE PULGAR) NANAWAGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na huwag ipakain sa mga alagang baboy ang mga tira-tirang karne ng baboy lalo na ang mga sumailalim sa proseso upang maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) virus. Sinabi ng DTI na posible na kontaminado ng ASF ang mga ‘processed pork meats’ tulad ng longganisa, tocino at hotdog na maipapasa sa mga buhay na baboy kung ipapakain ang mga ito. Ito ay makaraang lumabas ang isang dokumento buhat sa Bureau of Animal Industry na nagpositibo…

Read More

DTI, DA, PINAKIKILOS SA PROCESSED FOOD NA MAY ASF

ASF-3

(NI NOEL ABUEL) PINAKIKILOS ng isang senador ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Agriculture (DA) para bawiin sa merkado ang mga de latang pagkain at iba pang processed food na hinihinalang kontaminado ng African Swine Fever (ASF). Giit ni Senador Francis Pangilinan, kung may katotohanan aniya na ulat at dumaan sa beripikasyon na ilang processed foods ay positibo sa ASF ay kailangang kumilos na ang nasabing mga ahensya ng pamahalaan sa lalong madaling panahon. “If reports are true and verified that several processed meats have…

Read More

IMEE: DTI, WALANG SILBI 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINONDENA ni Senador Imee Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng mga pangunahing bilihin kasama na ang presyo uling at ‘gaas’ o kerosene. Ayon kay Marcos, lumalabas na walang silbi ang DTI dahil hindi nila nababantayan ang pagtaas ng presyo ng uling at ‘gaas’ na anya’y tanging kayang bilhin ng mga mahihirap sa mga depressed communities. “Pati ba naman uling at gaas tumaas na rin? Hindi kayang bumili ng mga kababayan nating mahihirap ng LPG kaya uling o gaas ang…

Read More

12% TAAS-PRESYO SA NOCHE BUENA ITEMS INIHIRIT SA DTI

dti12

(NI ROSE PULGAR) HUMIRIT ng dagdag-presyo sa mga Noche Buena items ang food manufacturers at meat processors sa kanilang mga produktong hamon. Ayon sa meat producers, tumaas na ang mga raw materials na kanilang ginagamit sa paggawa ng kanilang produktong karne  mula sa ibang bansa, kung kaya humihirit sila ng karagdagan 12 porsiyento ng presyo ng kanilang produkto. Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castello, maging ang mga manufacturer ng commercial ham ay humihirit na rin ng hanggang P10.00 dagdag presyo. Sinabi ni Castello, na kanila…

Read More

DAGDAG-PRESYO SA DE LATA, NOODLES INIHIHIRIT SA DTI

(NI ROSE PULGAR) PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit ng mga canned foods manufacturers na magtataas sila ng presyo ng kanilang produktong de lata kabilang ang mga istant noodles ,sardinas, at iba pang processed foods. Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez , humihirit ng dagdag presyo ang mga manufacturers ng mga de lata dahil sa umano’y pagtaas ng presyo ng mga raw materials at mga tin plates na gamit sa pagawa ng kanilang produkto. Sinabi ni Lopez, na sakaling tumaas ang presyo ng ilang mga…

Read More