126 PASAWAY SA ECQ, ARESTADO

CAVITE  – Sa kabila nang mahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine, nakapagtala ang lalawigang ito ng mahigit isandaang mga pasaway na pagala-gala sa lansangan sa kabila ng ipinatutupad na curfew.

Sa tala ng Cavite Provincial Police Office (CPPO), nanguna sa pinaka-pasaway ang Lungsod ng General Trias na umabot sa 60 katao ang dinampot, habang sumunod ang Bacoor City na may  27 katao na hinuli, ang Naic ay 16, tig-iisa naman sa Tanza, Dasmarinas City at Cavite City o may kabuuang 112 katao.

Ang pag-aresto sa mga lumabag sa curfew ay isinagawa mula alas-8:00 noong Biyernes ng gabi hanggang ala-5:00 nitong Sabado ng umaga.

Bukod sa mga naaresto sa curfew, apat ang naaresto sa pot session, tatlo sa buy-bust operation, tatlo sa ilegal gamling at pito sa paglabag liquor ban. (SIGFRED ADSUARA)

 

189

Related posts

Leave a Comment