BINUWAG ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago ang Special Task Force (STF) ng bureau dahil sa pagkakasangkot ng mga tauhan nito, kabilang ang kanilang hepe, sa kuwestyunableng pagdakip sa 9 Chinese nationals sa isang resort sa Malolos, Bulacan.
Nagbunsod ito sa insidente ng paghuli sa mga dayuhan na umano’y nauugnay sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Ayon kay Director Santiago, isinailalim na sa masusing imbestigasyon ang Special Task Force sa Internal Affairs Division ng NBI.
Maging ang hepe ng nasabing task force ay pansamantalang tinanggal sa puwesto dahil sa “command responsibility”.
Gayunman, tikom ang bibig ng mga operatiba ng Special Task Force hinggil sa pagkakabuwag nito.
(RENE CRISOSTOMO)
169
