14 DAGDAG SA CALOOCAN COVID DEATHS

UMABOT sa 14 ang nadagdag sa COVID-19 death toll ng Caloocan City at naitala sa 1,312 ang active cases.

Mula 576 dakong alas-5:00 ng hapon noong Abril 6, umakyat sa 590 ang COVID-19 casualties sa lungsod sa parehong oras noong Abril 8.

Umakyat naman sa 20,189 ang kumpirmadong kaso sa lungsod, kung saan 18,287 na ang gumaling.

Naging 349 naman ang COVID-19 death toll ng Malabon City nang isang pasyente ang namatay noong Abril 8.

Bukod dito, 150 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 10,402 na ang positive cases sa lungsod. Mula sa bilang na ito ay 1,005 ang active cases.

Sa kabilang banda, 106 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 9,048 na ang recovered patients ng siyudad.

Nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga gumaling sa Barangay Hulong Duhat dahil nagpositibo ang swab test ang isang pasyente sa ikalawang pagkakataon. Mula 309 ay naging 308 na lamang ang recoveries sa barangay.

Wala namang naiulat na namatay dahil sa COVID-19 sa Navotas City noong Abril 7 at bumaba sa 1,293 ang active cases sa lungsod matapos na 175 ang gumaling at 30 lamang ang nagpositibo.

Umabot na sa 9,007 ang nasapol ng pandemya sa fishing capital at sa bilang na ito ay 7,451 na ang gumaling at 263 na ang namatay.

Habang isinusulat ito ay wala pang inilalabas na update hinggil sa COVID-19 cases ang lungsod ng Valenzuela. (ALAIN AJERO)

144

Related posts

Leave a Comment