PINAYAGAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbyahe ang 4,400 dyip at bus sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay LTFRB Officer-In-Charge Zona Tamayo, ang 1,800 dyip at 2,600 provincial buses ay dagdag sa kasalukuyang bumibyaheng dyip at bus sa NCR.
Ngunit, nilinaw ni Tamayo na ang byahe ng provincial buses ay babatay sa desisyon ng mga pamahalaang lokal.
Tiniyak ni Tamayo na tuloy ang dagdag na mga pampublikong sasakyan sa NCR kahit humaba pa ang enhanced community quarantine (ECQ) ng karagdagang isang linggo sa NCR.
Aniya, ang mga nasabing sasakyan ay sagot ng LTFRB sa kakulangan ng masasakyan ng mga manggagawa sa mga ospital mula nang isailalim sa ECQ ang NCR at apat na kalapit na mga lalawigan dulot ng biglang paglobo ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease – 2019 (COVID-19) araw-araw sa bansa. (NELSON S. BADILLA)
409 