MATAPOS ang isang buwan sa ilalim ng bagong liderato, agad na nalagay sa alanganin ang tatlong district collection offices ng Bureau of Customs (BOC) kasunod ng paglalabas ng datos ng mga tanggapang nakapagtala ng sapat – kung hindi man labis sa itinakdang collection target para sa buwan ng Hulyo.
Kabilang sa kinapos sa kanilang July target ang mga tanggapan ng BOC sa Aparri, Legaspi at Surigao.
Sa datos ng BOC Financial Service, nakapagtala lamang ng P80.56 milyon ang Port of Aparri – malayo sa July target na P99.82M. Sablay rin ang Port of Legazpi na may actual collection na P22.82M kumpara sa kanilang target na P28.03M at Port of Surigao na may actual collection na P810,000 kumpara sa kanilang target na P1.70 million.
Wagi naman ang 14 na district collection offices kabilang ang tatlo sa national capital region – ang Port of Manila na nakapagtala ng P7.776 bilyon ganansya kumpara sa kanilang target na P5.669B, Port of NAIA na nakapagsampa ng P3.552B kumpara sa target na P2.356B at Manila International Container Port (MICP) na may actual collection na P18.891B.
Pasok din ang apat sa limang collection districts mula sa Northern Luzon na kinabibilangan ng Port of Subic na may actual collection na P5.428B kumpara sa P3.782B July target, Port of Limay na may actual collection P11.895B kumpara sa target na P10.022B, Port of Clark na may actual collection na P326.65 milyon kumpara sa target na P258M at Port of San Fernando na may actual collection na P1.618B kumpara sa target na P805.83M.
Nakapagtala rin ng labis pa sa target na P14.855B ang Port of Batangas na may actual collection na P18.129B.
Positibo rin ang ipinamalas na husay ng tatlong BOC district collection offices sa Visayas, kabilang ang Port of Cebu na may actual collection na P4.376B kumpara sa target na P3.309B, Port of Iloilo na may actual collection na P478.22M kumpara sa target na P238M at Port of Tacloban na may actual collection na P810.24M kumpara sa target na P385.14M.
Swak din sa mata ni Acting Customs Commissioner ang tatlong distrito sa Mindanao, kabilang ang Port of Zamboanga na may actual collection na P1.491B kumpara sa target na P957.24M, Port of Davao na may actual collection na P4.549B kumpara sa kanilang target na P3.353B at Port of Cagayan de Oro na may actual collection na P3.420B kumpara sa kanilang target na P2.907B.
149 