140 COVID CASES NAITALA SA 24-ORAS

NAKAPAGTALA pa rin ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 140 confirmed coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa sa nakalipas na magdamag.

Batay sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH), hanggang 4:00 ng hapon ngayong Martes ay umakyat na sa 6,599 ang naitatala nilang kaso ng COVID-19.

Nadagdagan naman ng siyam ang bilang ng mga namatay at patuloy ring dumarami ang bilang ng mga gumaling na sa karamdaman.

Nabatid na nakapagtala pa ang DOH ng panibagong 41 recoveries kaya umabot na sa 654 ang kabuuan nito.

Patuloy namang nananawagan ang DOH sa publiko na maging maingat, manatili sa bahay, magsuot ng mask, at regular na maghugas na kamay upang makaiwas sa virus. D. ANIN

218

Related posts

Leave a Comment