14M TAGA-METRO MANILA ISASALANG SA COVID-19 TESTING

TINIYAK ni Testing czar Vince Dizon na 14 million katao mula sa Metro Manila ang maisasailalim sa Polymerase Chain Reaction (PCR) pooled testing.

“Kakayanin po kung gagamitin natin ang pooled testing at tingin ko po ay lalabas na yan sa review ng Department of Health,” ayon kay Dizon.

Ang pooled testing, ani Dizon ay ginagamit kapag sa isang grupo halimbawa ng mga OFW ay pwedeng pagsamahin ang mga sample ng sampu o kahit dalawampung OFW.

Kapag negative aniya ang isang test mula sa sampu o dalawampu ay negative na aniya lahat.

At kapag positive naman aniya ay papaliitin ang pool.

“So magmula dalawampu gagawing sampu. At kung yung isa sa sampu ay negative, negative na lahat yung sampu. Kapag yung isang pool may positive hahanapin po, papaliitin nang papaliitin yung pool hanggang mahanap yung positibong pasyente,” ayon kay Dizon.

Matatandaang sinabi ni Dizon na target nila ang isang milyong tests sa katapusan ng Hulyo subalit nakapagtala na aniya kaagad sila ng 1.3 million bago pa matapos ang buwan.

Sa ngayon, ang target nila ay 10 million tests at mahigit sa 28,000 tests kada araw.

Kumpiyansa naman si Dizon, na ang kanilang target na 32,000 tests ay mapagtatagumpayan nila ngayong buwan.

“Ngayon po ay halos doble na tayo ng ginagawa ng South Korea. Ang South Korea po ay nagte-test ng 15,000 per day so halos doble na tayo. Isa po sa pinakamaraming tine-test ang South Korea sa

TINIYAK ni Testing czar Vince Dizon na 14 million katao mula sa Metro Manila ang maisasailalim sa Polymerase Chain Reaction (PCR) pooled testing.

“Kakayanin po kung gagamitin natin ang pooled testing at tingin ko po ay lalabas na yan sa review ng Department of Health,” ayon kay Dizon.

Ang pooled testing, ani Dizon ay ginagamit kapag sa isang grupo halimbawa ng mga OFW ay pwedeng pagsamahin ang mga sample ng sampu o kahit dalawampung OFW.

Kapag negative aniya ang isang test mula sa sampu o dalawampu ay negative na aniya lahat.

At kapag positive naman aniya ay papaliitin ang pool.

“So magmula dalawampu gagawing sampu. At kung yung isa sa sampu ay negative, negative na lahat yung sampu. Kapag yung isang pool may positive hahanapin po, papaliitin nang papaliitin yung pool hanggang mahanap yung positibong pasyente,” ayon kay Dizon.

Matatandaang sinabi ni Dizon na target nila ang isang milyong tests sa katapusan ng Hulyo subalit nakapagtala na aniya kaagad sila ng 1.3 million bago pa matapos ang buwan.
Sa ngayon, ang target nila ay 10 million tests at mahigit sa 28,000 tests kada araw.

Kumpiyansa naman si Dizon, na ang kanilang target na 32,000 tests ay mapagtatagumpayan nila ngayong buwan.

“Ngayon po ay halos doble na tayo ng ginagawa ng South Korea. Ang South Korea po ay nagte-test ng 15,000 per day so halos doble na tayo. Isa po sa pinakamaraming tine-test ang South Korea sa Asya.”

Ani Dizon, ang test results mula sa mega swabbing centers ay tatagal lamang ng tatlong araw at ipadadala sa email, text message, o sa pamamagitan ng local government unit.

Sa kasalukuyan, may apat na mega swabbing centers na ang ginagamit sa bansa. Ito’y ang SM Mall of Asia Arena, isa sa Palacio de Maynila, isa sa Philippine Arena, at isa sa Taguig City. (CHRISTIAN DALE)

 

143

Related posts

Leave a Comment