15% bawas taripa ‘budol’ PRESYO NG BIGAS MATAAS PA RIN

(DANG SAMSON-GARCIA)

PINUNA ni Senador Imee Marcos ang nagpapatuloy na mataas na presyo ng bigas makaraang ibaba sa 15 percent ang taripa sa imported na bigas.

Sinabi ni Marcos na kahit ibinaba ang taripa ay halos hindi naman gumalaw ang presyo ng bigas sa merkado dahil ang special imported rice ay nasa P60.65 kada kilo, P56.84 ang premium imported, P53.43 ang well-milled imported, at P49.78 naman ang imported regular milled.

Partikular na kinalampag ni Marcos ang Department of Agriculture, Department of Trade and Industry at National Economic and Development Authority kung ano na ang nangyari at tila hindi natupad ang layunin ng pagbaba ng taripa.

Muli ring hinimok ni Marcos ang lahat ng grupo ng magsasaka at ibang stakeholders sa isang malawakang konsultasyon at review sa 15 percent tariff.

Muli ring iginiit ng senadora na hindi solusyon sa krisis sa bigas ang pagpapababa ng taripa, kung hindi ang pagpaparami ng lokal na produksyon sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga magsasaka at sektor ng agrikultura.

199

Related posts

Leave a Comment