15 LGUs KINILALA SA EPEKTIBONG PAGLILINGKOD

UMABOT sa 15 local government units (LGUs) ang nakatanggap ng pagkilala mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil naging malikhain sila sa paggamit ng digital platform sa pag-iwas sa COVID-9 habang pinaglilingkuran ang kani-kanilang nasasakupang mga residente.

Ang 15 LGUs ay nagwagi ng Digital Governance Awards (DGA) para sa kanilang natatanging “information and communication technology (ICT) practices and innovation” upang manatiling epektibo ang paglilingkod sa mamamayan habang nananalasa ang COVID-19.

Batay sa DILG, 108 pamahalaang lokal ang lumahok sa patimpalak.

“Amid all the present trials, LGUs heeded the call of the DILG to innovate and to help us overcome the adversities of the new and unfamiliar normal. LGUs embraced IT solutions not only to continue working and operating but also to advance strategies in reaching out to their constituents and stakeholders,” wika ni Secretary Eduardo Año.

“Kayo ang nagsisilbing modelong maaaring pamarisan ng iba pang mga lokalidad. Ito ang nagbibigay ng inspirasyon sa lahat na mayroon pa ring mga paraan upang lalong mapabuti ang sistema”, patuloy ng kalihim. (NELSON S. BADILLA)

148

Related posts

Leave a Comment