15 PASAHERO NASAGIP SA LUMUBOG NA BANGKA

AGAD nasaklolohan ng nagpapatrolyang mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang 15 pasahero at isang crew na sisinghap-singhap makaraang lumubog ang sinasakyang motor banca sa karagatang sakop ng Barangay Poblacion, Rapu-Rapu, Albay.

Ayon sa PCG, lulan ang mga pasahero ng motorbanca na “Rocenz 3” na lumubog sa karagatan.

Nang makatanggap ang PCG Sub-Station Rapu-Rapu ng tawag mula sa MV RLMC Ferry I kaugnay sa insidente, ay agad na nagtungo ito sa lugar para tulungan ang mga pasahero.

Ayon kay Boat Captain Rogelio Barcelona Jr., habang naglalayag sila mula Barangay Batan patungong  Poblacion noong Biyernes ng umaga nang masira ang makina ng motor banca saka nasalubong ang malalaking alon dahilan para ito ay lumubog.

Nasa maayos na ngayong kalagayan ang mga pasahero at crew at ibiniyahe na pabalik sa Barangay Batan. (RENE CRISOSTOMO)

775

Related posts

Leave a Comment