152 PULIS NA KAKASUHAN SA WAR ON DRUGS, KULANG

HINDI kuntento ang militanteng mambabatas sa 154 na nakatakdang kasuhan ng kasong administratibo at kriminal sa kanilang naging papel sa ‘war on drugs’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Reaksyon ito ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate, matapos ianunsyo ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na nanganganib na maharap sa mga nabanggit na kaso ang nasabing bilang ng mga pulis na sangkot sa 53 kaso ng pagpatay sa mga drug suspect.

“Why limit the filing of cases to 52 killings of drug suspects only when the PNP itself admitted that there were 6,000 more or less drug suspects who were killed since July 1, 2016, in this bloody drug war?” ani Zarate.

Katumbas lamang aniya ito ng 0.9 percent ng walang katuturang pagpatay sa mga tao dahil lamang sa hinalang sangkot o gumagamit ang mga ito ng ilegal na droga.

“This is highly unacceptable and may be interpreted as an attempt of ‘crime washing’ the culpability of law enforcement officers and their agents in the dubious but bloody ‘nanlaban’ narrative scheme,” dagdag pa ng mambabatas.

Kailangan din aniyang isapubliko ng DOJ ang kanilang isinagawang imbestigasyon sa 52 kaso na kinasasangkutan ng 154 pulis na naglagay ng batas sa kanilang kamay sa panahon ng war on drugs.

Bukod dito, dapat na rin aniyang isailalim na sa preventive suspension ang mga pulis na ito na nakatakda nilang kasuhan ng administrative at criminal cases upang hindi na nila maimpluwensyahan ang imbestigasyon.

“Considering the lapse of time since these killings started in 2016, the tampering of evidence to erase any culpability by those involved is not really remote. Thus, the DOJ-led investigation should also address this issue to prevent further injustice done to the victims and their families,” dagdag pa ng progresibong mambabatas

Ang war on drugs ang pangunahing dahilan kung bakit kinasuhan sa International Criminal Court (ICC) si Pangulong Rodrigo Duterte na pinaghahandaan na umano ng punong ehekutibo. (BERNARD TAGUINOD)

164

Related posts

Leave a Comment