BINAWI ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pinagtibay na House Bill (HB) 10171 na nagtatatag sa 1988 2accord.
Itinuturing naman itong ilegal ng Makabayan bloc kaya sumulat ang mga ito kay House Speaker Lord Allan Velasco para irekord ang kanilang pagtutol sa nasabing desisyon.
Ang pagpapatatag sa UP-DND accord ay pinagtibay sa Kamara matapos magkaroon ng girian ang nasabing unibersidad at DND nang tangkain ng mga militar na pasukin ang kanilang mga campus bilang bahagi ng kanilang anti-insurgency campaign.
Ang nasabing kasunduan ang pipigil sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na basta na lamang pumasok sa mga campus ng unibersidad.
Sa botong 179 affirmative at zero negative, naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang nasabing panukala noong Setyembre 21, 2022 at kinabukasan ay ipinasa naman sa Senado ang kanilang hiwalay na bersyon dito.
Gayunpaman, bago mag-recess ang Kongreso noong Setyembre 30 ay nagmosyon si Deputy Speaker at Cavite Rep. Jesus “Boying” Remulla para bawiin ang approval ng panukala.
Inayunan naman ito ng liderato ng Kamara subalit ayon sa Makabayan bloc, ilegal ang aksyon ng Kapulungan dahil ginawa ni Remulla ang mosyon pagkalipas ng 5 session days.
“Thus we would like to put this manifestation on record in the Journal for September 30, and request that the move for reconsideration of HB 10171 be declared null and void,” ayon sa sulat ng Makabayan bloc kay Congressman kay Velasco. (BERNARD TAGUINOD)
176 