167 LUGAR LUBOG PA RIN SA BAHA

NAKALUBOG pa rin sa tubig baha ang nasa 167 lugar sa Southern Luzon at Visayas.

Ito ang Inihayag ni Diego Agustin Mariano, head ng joint information center ng Office of the Civil Defense sa Laging Handa public briefing sa harap ng nararanasang Low Pressure Area o LPA, 380 km East ng Surigao City.

Sinabi ni Mariano na mayorya ng mga lugar na lubog sa baha ay nasa Region 8, mayroon din sa Region 9, Region 6, 3, 5, Mimaropa maging sa BARMM.

Kung pag-uusapan aniya ang mga apektadong pamilya, ito ay nasa 106,961 na kumakatawan sa higit 438,000 mga indibidwal.

Sa kasalukuyan, nasa 2,144 pamilya ang nasa iba’t-ibang evacuation centers na apektado ng shearline sa mga naturang rehiyon.

Kabilang din sa mga apektado ang Eastern at Central Visayas, Northern Mindanao, Negros Occidental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Norte at ang Dinagat Islands. (CHRISTIAN DALE)

334

Related posts

Leave a Comment